Kaisa ng Bituin

Rhy
2 min readSep 20, 2024

--

“Maybe I belong among the stars.”

Bata pa lamang ako, dinadala na ako ng aking mga mata sa kalangitang puno ng mga tuldok-tuldok na dyamanteng tila mga lihim na nakatanaw mula sa kalawakan. Ang bawat kislap nila ay tila nagsasabi na sa gitna ng kawalan, may mga posibilidad na hindi natin lubos maisip.

Madilim ang kalawakan, ngunit sa bawat gabi, sila ang aking gabay, mga ilaw sa kalagitnaan ng kalungkutan, mga saksi sa mga luhang tahimik na pumapatak habang ako’y naglalakbay sa aking sariling dilim. Kapag ang iba’y sabik sa liwanag ng araw, ako’y natatagpuan ang aking kapayapaan sa ilalim ng buwan at bituin, sa katahimikan ng gabi.

Sila ang naging tanggapan ng lahat ng hinagpis ko, mga bituing walang tinig ngunit laging naroroon, tinatanggap ang bigat ng aking puso na para bang kayang-kaya nilang pasanin ang lahat ng sakit na hindi ko mailabas. Sa bawat kirot, sila’y nagniningning para ipaalala na kahit gaano kadilim ang paligid, may liwanag na patuloy na sumisilip, may pag-asang kahit papaano’y nadarama ko.

At sa mga bituing ito, natatagpuan ko ang aking sarili. Gusto kong maging tulad nila, na kahit gaano kaliit, may kakayahang magbigay ng liwanag sa dilim ng iba. Sana’y ako rin ang maging pahinga ng mga napapagod, ang magaan na presensya sa bigat ng inyong dinadala, isang tahimik na kasama na handang magsilbing ilaw sa inyong nagdidilim na daan.

Kaya’t baka nga may katotohanan ang aking mga napapanood, na balang araw, magiging kaisa ako ng mga bituin. At sa aking bawat pagbagsak, magiging hiling ako, magiging pangarap na magbibigay ng liwanag sa iba.

Sign up to discover human stories that deepen your understanding of the world.

Free

Distraction-free reading. No ads.

Organize your knowledge with lists and highlights.

Tell your story. Find your audience.

Membership

Read member-only stories

Support writers you read most

Earn money for your writing

Listen to audio narrations

Read offline with the Medium app

--

--

No responses yet

Write a response